MANILA, Philippines — Pinalaya na ang 17 Pinoy na inaresto sa Qatar at hindi na rin sinampahan ng kaso dahil sa illegal assembly.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Qatari Ambassador to the Philippines Al-Homidi at sinabi nito ang good news sa Pangulo sa pagpapalaya at hindi pagsasampa ng kaso ?sa 17 Pinoy.
Sinabi aniya ni Ambassador Al-Homidi, na ito ang reflection ng maganda at matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Nilinaw naman ni Castro na maaari na rin bumalik sa kanilang mga trabaho ang 17 OFWs at maaari na rin silang umuwi dito sa Pilipinas kung nais nila.
“Sinabi naman po na sila po ay napalaya na at maaari po silang magtrabaho. Choice na po nila po kung ano po iyong gusto nila,” giit pa ni Castro.
