MANILA, Philippines — Dalawang Pinay ang inaresto sa West Covina, California matapos umanong lokohin at perahan ang isang health insurance program sa Amerika.
Base sa ulat, lumalabas na dinaya ng dalawang Pinay ang Medicare sa pamamagitan ng pagsingil para sa hospice care services sa mga pasyente na wala namang karamdaman.
Kinilala ang dalawang Pinay na sina Normita “Normie” Sierra, may-ari ng Golden Meadows Hospice Inc. at D’Alexandria Hospice Inc. at Rowena “Weng” Elegado.
Ang dalawa ay kinasuhan ng federal grand jury para sa mga kasong conspiracy at health care fraud at iba pang kaso.
Ang pag-aresto ay resulta ng imbestigasyon ng US Department of Health and Human Services Office ng Inspector General at ng Federal Bureau of Investigation (FBI).