21-year-old Kangkong Chips seller na ‘bilyonaryo’ na daw, paimbestigahan


MANILA, Philippines — Nag-viral ang isang post tungkol kay Josh Mojica, founder ng Kangkong Chips Original, matapos itong mag-claim sa Facebook na siya raw ay isang “bilyonaryo” sa edad na 21. Kahit agad itong nawala sa kanyang official page, nai-repost pa rin ito mula sa isang unofficial account.

Ngayon, hinimok ni dating Comelec commissioner Rowena Guanzon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ang yaman ni Mojica. Pinaalala rin ang isyu na marami sa mga sinasabing pinakamayayaman sa bansa ang hindi kasama sa listahan ng top taxpayers.