3 batang Pinoy inararo ng lasing na driver, dedo


MANILA, Philippines — Tatlong batang Filipino-Canadian ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan matapos sumalpok sa kanilang sasakyan ang isang minivan na minamaneho umano ng isang lasing na driver sa ­Toronto, Canada noong Linggo, Mayo 18.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ramone, Jace at Maya Lavina — na may edad 6 hanggang 15.

Nakasakay umano ang mga biktima sa   nang mawalan ng kontrol ang isang silver Dodge Caravan at tumama sa van na noo’y nakahinto.

Ayon sa ulat ng ­Toronto Police, nangyari ang pag-crash sa eastbound off-ramp mula Highway 401 hanggang Renforth Drive.

Nahaharap sa iba’t ibang kaso ang driver ng Caravan na isang ­19-anyos na lalaki.