September 2, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na umabot na sa 31 possible contractors ang kanilang natukoy na nagbigay ng donasyon sa mga kandidato para sa national positions noong 2022 elections.
Sa briefing ng House Committee on Appropriations kahapon, tumanggi muna si Comelec Chairman George Erwin Garcia na ibunyag ang pangalan ng mga ito bunsod ng posibilidad na hindi naman proyekto ng pamahalaan ang kanilang hawak nang magbigay ng kontribusyon.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang Comelec sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matukoy kung ang mga contractor na ito ay mayroong kontrata sa gobyerno bago ang paghahain ng certificates of candidacy ng mga kandidato.
“Kasi po may posibilidad na sila ay contractors pero wala naman ho silang kontrata sa pamahalaan, so ligtas po sila dun,” dagdag pa ng poll chief.