November 28, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Tatlumpu’t apat na minero ang pinaniniwalaang na-trap matapos na gumuho ang lupa sa Camp 1 Acupan, Brgy. Virac, Itogon,Benguet nitong Huwebes ng tanghali.
Sa inisyal na ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nagawa namang makaligtas ng 30 sa mga minero matapos ang landslide dakong alas-11:00 ng tanghali sa lugar.
Gayunman, nasa 34 pa ng mga itong kasamahan ang tuluyang na-trap sa pagguho ng bahagi ng minahan sanhi ng paglambot ng lupa sa ilang araw na mga pag-ulan sa lugar.
Nagresponde naman sa lugar ang search and rescue operations team upang iligtas ang mga na-trap na mga minero.
Samantala, isa namang residente ang nalibing ng buhay matapos maguhuan ng bundok ang isang tahanan sa landslide sa Brgy. Aurora,Pudtol, Apayao nitong Huwebes ng umaga.