MANILA, Philippines — Pabor ang mas nakararaming Pinoy na makiisang muli ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC), batay sa OCTA Research.
Sa ginawang Tugon ng Masa Nationwide survey mula Abril 20-24, 57 percent ng mga Pinoy ang gustong bumalik ang Pilipinas sa ICC habang 37 percent ang ayaw sa hakbang na ito at 6 percent ang walang desisyon.
Nagpahayag ng suporta sa muling pagsali sa ICC ang 60 percent ng respondents mula sa Metro Manila, Balance Luzon at Visayas.
Samantala sa Mindanao, 30% lang ang gustong makiisang muli ang bansa sa ICC at 66% ang ayaw dito.
Karamihan ng pabor ay edad 18-24, ang tutol ay 35-44-anyos at 45-54 ang mga edad ng tutol.
Ang survey ay nilahukan ng 1,200 male at female respondents na may edad 18 pataas na tinanong ng face-to-face.
