92% Pinoy iboboto may adbokasiya sa trabaho, kalusugan, pagkain — SWS


MANILA, Philippines — Mas nakararaming Pinoy o nasa 92% ang nagsabing mas suportado nila ang kandidato sa nalalapit na Midterm election yaong mga  nagsusulong ng mga oportunidad sa trabaho, healthcare at food security, batay sa latest SWS survey.

Sa naturang survey, nasa 91% naman ang nagsabing gusto nila ang kandidatong nagtataguyod para sa mas malakas na pangangalagang pangkalusugan at seguridad sa pagkain habang  nasa 90% para sa pantay na access sa edukasyon.

Nadagdagan ang mga Pinoy na sumusuporta sa mga kandidatong target na bawasan ang gutom at kahirapan na may 86% noong Marso, mas mataas ito sa 83% noong Pebrero.

Bukod dito, 89% naman ng mga respondent ay sumusuporta rin sa mga kandidatong nagtataguyod ng mga karapatan ng mga manggagawa at kapakanan ng mga OFW.

Ang naturang survey ay ginawa noong March 15-20 sa may 1,800 respondents na tinanong nationwide.