Dear Dr. Love,
Hindi ko alam kung nakakahiya ba itong isusulat ko, pero sana mapayuhan ninyo ako.
Grade 12 student ako sa isang unibersidad dito sa Maynila. Mabait naman po ako, tahimik, at masipag sa pag-aaral. Pero nitong mga nakaraang buwan, may isang tao ang nagbibigay ng kakaibang kilig at gulo sa sistema ko.
Siya po ay isa sa mga guro namin. Opo, teacher ko po siya, si Sir Javier. Siya po ang nagtuturo ng Contemporary Arts. Magaling siya, magaan kausap, at laging may sense ang sinasabi. Kaya siguro hindi ko rnapigilang mahulog ang loob ko sa kanya — pero tahimik lang, lihim lang, wala namang masamang intensyon.
Hindi ko po alam kung alam niya. Minsan kasi nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Nalilito na ako. Kasalanan po ba ang magkagusto sa isang guro? At paano ko po babantayan ang sarili kong damdamin kung halos araw-araw ko siyang nakikita? Ayokong mahulog nang tuluyan — pero sa totoo lang, kinikilig talaga ako sa kanya.
Lihim po akong umaasa pero takot din sa posibleng kahihiyan. Hindi ko na po alam kung ito’y simpleng admiration lang, o kung nagkakaroon na ako ng feelings na hindi na dapat.
Shanne
Dear Shanne,
Una sa lahat, normal ang magkaroon ng crush sa guro.
Lalo na kung siya ay mabait, matalino, at may malasakit sa mga estudyante. Admiration ‘yan — at minsan, nagiging dahilan pa ‘yan para lalo kang magsipag.
Pero tandaan, ang pagitan ng guro at estudyante ay may hangganan.
Hindi lang dahil sa rules, kundi dahil may panahon para sa lahat ng bagay. Huwag kang magmadali sa damdamin.
Mas maganda kung ito’y magiging inspirasyon mo para lalo kang maging magaling— hindi distraction.
Hanggang sa pagdadalaga lang muna, hija. Focus muna sa pangarap, hindi sa kilig.
DR. LOVE