MANILA, Philippines — Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng 60-araw ang lahat ng importasyon ng bigas simula sa Setyembre 1, 2025.
Sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, na ginawa ng Pangulo ang hakbang matapos konsultahin ang mga opisyal ng Gabinete sa kanilang limang araw na state visit sa India.
Ayon pa kay Gomez, layon ng suspensyon na maprotektahan ang mga lokal na magsasaka sa pagbaba ng presyo ng palay ngayong panahon ng anihan.
“To protect local farmers reeling from low palay prices during this current harvest season, President Ferdinand Marcos Jr. today announced the suspension of all rice importation for 60-days beginning Sept. 1, 2025,” pahayag ng kalihim.
Matatandaan na inirekomenda ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel kay Pangulong Marcos na taasan ang taripa sa mga imported na bigas para hindi malugi ang mga magsasaka.
