August 15, 2025 | 12:00am
LEO (Jul.23 — Aug.22) — Kung ang paglalakbay ay tungkol sa negosyo o pagkakakitaan, ito ay inaayunan ng panahon. Subalit kung ang pakay ay paglilibang, dapat itong ipagpliban. Harapin ang paghahanapbuhay. Lucky numbers at color of the day ang 12, 14, 28, 39 at lemon green.
VIRGO (Aug.23 — Sept.23) — Iwasan ang usaping pera para hindi humantong sa hindi pagkakaunawaan. Huwag maging salawahan. Lucky numbers at color of the day ang 6, 10, 30, 42 at sky blue.
LIBRA (Sept.24 — Oct.23) — Ang tampuhan sa nakaraan ay masosolusyunan kung haharapin ngayon. Sa samahan, maging mabait. Lucky numbers at color of the day ang 2, 17, 37, 40 at pearl white.
SCORPIO (Oct.24 — Nov.22) — Bigyang prayoridad ang tungkulin. Inaayunan ng pagkakataon ang pagpapahinga o paglilibang. Lucky numbers at color of the day ang 9, 26, 40, 41 at cherry red.
SAGITTARIUS (Nov.23 — Dec.21) — Magkakaroon ng mahalagang pagdedesisyunan na kung hindi mag-iingat ay pagsisisihan. Lucky numbers at color of the day ang 3, 12, 26, 36 at shocking pink.
CAPRICORN (Dec.22 — Jan.19) — Pikon ka ngayon, kaya habaan ang pasensya dahil gulo lang ang kahahantungan kung papatangay ka. Lucky numbers at color of the day ang 3, 16, 40, 42 at apple green.
AQUARIUS (Jan.20 — Feb.18) — Depende sa sitwasyon ang galaw ng pag-iisip. Kung inaakala na magdudulot ng kabutihan, ituloy. Lucky numbers at color of the day ay 5, 13, 34, 41 at lavender.
PISCES (Feb.19 — Mar.20) — Walang mangyayari kung magmumukmok ka dahil sa problema. Magpakatatag dahil malalampasan mo ‘yan. Lucky numbers at color of the day ang 2, 18, 29, 39 at cannary yellow.
ARIES (Mar.21 — Apr.19) — Ang pagtulong sa kapwa ay hindi masama. Pero tiyakin na hindi mawawalan para sa sarili. Lucky numbers at color of the day ang 3, 6, 17, 25 at pink.
TAURUS (Apr.20 — May 20) — Magiging mapusok sa pag-ibig. Kailangan ang self control para hindi mapahamak. Lucky nunmbers at color of the day ang 6, 20, 30, 36 at copper red.
GEMINI (May 21 — Jun.21) — Panahon ng pagbabago. Baguhin ang pagkatsismosa, daldalera, matapobre, at arogante. Lucky numbers at color of the day ang 2, 15, 32, 39 at yellow.
CANCER (Jun.22 — Jul.22) — Aminin at tanggapin ang pagkakamali. Upang manatili ang magandang sama-han sa pamilya. Lucky numbers at color of the day ang 6, 25, 32, 40 at orange.