August 30, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Makakaranas ng mga pag-ulan ang iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na ngayong weekend dulot nang epekto ng habagat at ng bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Batay sa ulat ng PAGASA, ang naturang bagyo sa labas ng PAR na may pangalang Jacinto ay huling namataan sa layong 860 kilometro kanluran ng Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 km per hour at pagbugso na 80 kph.
Ang trough ng naturang bagyo ang nagdadala ng maulap na kalangitan na may pag-ulan sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales at Bataan at isolated rain showers sa Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Nagdadala naman ang habagat ng pag-ulan sa MIMAROPA, Visayas, Mindanao, Cavite at Batangas at minsang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon.
