Pilipino Star Ngayon
September 1, 2025 | 4:13pm
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand «Bongbong» Marcos Jr. si Vince Dizon bilang bagong secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos ang pagbibitiw ni Manuel Bonoan nitong Lunes, Setyembre 1
Pagkaupo sa pwesto, agad na iniutos ni Dizon ang courtesy resignations ng lahat ng opisyal ng DPWH mula undersecretary hanggang district engineer bilang bahagi ng malawakang paglilinis sa ahensya.
Kasabay nito, bumuo ang Palasyo ng isang independent commission para imbestigahan ang mga anomalya sa flood control projects.
Giit ni Dizon, hindi maitatangging may mga sangkot sa loob ng DPWH sa iregularidad sa flood control projects at tiniyak niyang haharap sa kaso ang mga mapapatunayang nakinabang. — Base sa report ni Jean Manggaluz
