Mga congressman na tumatanggap ng kickback, nilaglag ng mga Discaya


Philstar.com

September 8, 2025 | 3:08pm

MANILA, Philippines — Pinangalanan ng mag-asawang Discaya ang mga congressman at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways na tumatanggap umano ng kickback at nakikinabang sa budget ng mga flood control projects.

Nagpahayag ang mag-asawa ng kahandaang maging state witness at isiwalat ang lahat ng kanilang nalalaman kaugnay ng umano’y ghost projects.


Sa kanilang sinumpaang salaysay, sinabi ni Curlee Discaya na lumago ang St. Gerrard Construction nang lapitan sila ng ilang opisyal ng DPWH at iba pang kawani ng gobyerno.


Ibinunyag niya na tuwing nananalo sila ng bid ay hinihingan sila ng 10% hanggang 25% ng halaga ng proyekto bilang kickback. — Base sa report ni Jean Manggaluz