Setyembre 13, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 13, 2025 | 12:00am

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ang kaunting suliranin sa minamahal ay huwag dalhin hanggang sa trabaho. Isang lihim ang matutuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may alinlangan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 29, 39, 41 at brown.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Anumang pagdedesisyunan, pag-isipan muna. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 30, 42 at blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang paglilibang ay magdudulot ng kaliga-yahan, ngunit iwasan ang labis na gastos. Lucky numbers at color for the day ang 22, 39, 40, 42 at aqua blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – May pagkakataon na mabalikan sa isip ang mga nakalipas. Maging maunlad ka pa. Lucky numbers at color for the day ang 15, 30, 40, 41 at neon green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Maganda ang isip para tapusin ang trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang ikaliligaya. Lucky numbers color for the day ang 20, 25, 33, 34 at green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Pairalin ang pagkamahinahon at pang-unawa dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 32, 33 at red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Maaliwalas at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsimosa upang hindi masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 25, 37 at sky blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Maganda ang pa-latandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Libra ang makikilala, magiging kayo. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 40 at red.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Tanggapin ang pagkakamali. Mahalaga magtiyaga. Mapa-palipas ang kaguluhan. Lucky numbers at co-lor for the day ang 2, 17, 23, 40 at orange.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak. Iwasan maging mapusok. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 35, 39 at indigo.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Lucky numbers at color for the day ang 8, 24, 34, 38 at jade green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Taglay ang sigla subalit madaling mapipikon. Pairalin ang pang-unawa. Lucky numbers at color for the day ang 18, 27, 36, 40 at yellow.