October 10, 2025 | 12:00am
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Iwasan pansamantala ang pamamasyal, dahil dapat pagtuunan ang mga pen-ding bills. Ang balak na pagnenegosyo ay ideyal na simulan kung sa tingin ay sapat na ang kaalaman at paghakbang. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 28, 38 at beige.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kaya mong harapin ang anumang balakid sa buhay kung buo ang loob at may tiwala sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 23, 31 at white.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung hindi maganda ang nararamdaman, huwag balewalain. Magpahinga. Dagdagan ang pag-inom ng tubig. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 25, 36 at sky blue
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung may lakad o lalakarin, gawin sa umaga para magtagumpay. Pokus ka sa iyong mga priorities. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 24, 34 at violet.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Aksiyon ka agad sa problema. Tantanan ang pagbubulakbol kung estudyante. Lucky numbers at color for the day ang 18, 28, 30, 38 at lavender.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung may makakasagupa na walang paggalang, larawan ‘yan ng sarili. Panahon ng pagbabago ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 28, 39 at jade green.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Hingin ang opinyon ng higit na nakakaalam dahil nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 19, 33 at tangerine.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung ano ang pinapangarap, huwag ibulgar. Kilos at gawin ang lahat ng makakaya para matupad ito. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 28, 38 at yellow.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ituloy ang binabalak ng walang alinlangan, dahil dito ka uunlad. Wala kang mapapala kung puro plano lang. Lucky numbers at color for the day ang 14, 22, 29, 34 at pink.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Sikapin na manaig ang positibong pananaw. Taimtim na panalangin ang ilakip sa bawat hangarin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 41 at apple green.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Maganda ang salubong ng umaga subalit magiging masalimuot ang situwasyon sa bandang dapit-hapon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 35, 42, 47 at green.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Hindi mo makukumbinsi ang kausap kung wala kang maipapakitang katibayan. Maging handa. Lucky numbers at color for the day ang 1, 25, 27, 34 at golden yellow.