Oktubre 16, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

October 16, 2025 | 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Doble ang suwerte ngayon. Sa hanap-buhay o negosyo at pag-ibig. Magi-ging magaan ang kabuhayan, subalit paghandaan ang bukas. Naayon at masaya ang iyong love life. Lucky numbers at color for the day ang 14, 16, 39, 42 at garnet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang pagbabago sa trabaho o sa tahanan ay ikatutuwa ng pamilya. Dadagsa ang suporta sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 14, 36, 38, 43 at honey yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung ano ang plano, tiyakin na magawa sa lalong madaling panahon. Ginto ang panahon, huwag aksayahin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 25, 39 at light green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kagipitan at panga-ngailangan ng pera ang problema. Ano man ang suliranin, masusolusyunan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 27, 40 at citrine yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – May mga kaibigan na handang magmalasakit kung kailangan. Ang minamahal ay maasahan sa lahat ng bagay. Lucky numbers at color for the day ang 12, 28, 33, 39 at jade green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ipagpaliban ang pagbabago na gagawin sa bahay o opisina. Iwasan ang magpaluwal ng pera. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 34, 42 at red orange.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – May pagkakataon na makadalo sa isang salo-salo kasama ang matalik na kaibigan na hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 25, 34, 40 at red.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Naghihintay ang magandang kapalaran sa personal na hangarin kung kikilos kaagad. Lucky numbers at color for the day ang 24, 33, 40, 44 at peach.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – May kahinaan ang katawan mula baywang hanggang talampa-kan. Huwag magbuhat ng mabigat. Lucky numbers at color for the day ang 11, 14, 27, 37 at peach.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Dalawang ang kinakaibigan mo. Una, ‘yung walang pakialam sa’yo. Pangalawa, ‘yung dadamayan ka. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 21, 36 at tangerine.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Kung gustong makaipagsapalaran, ngayon ang tamang panahon. Gawin ang balak. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 32, 39 at sky blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung ayaw magkaroon ng kagalit, huwag mangutang o magpautang. Makulay ang romansa. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 27, 39 at yellow gold.