Oktubre 20, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

October 20, 2025 | 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Malamang mapapasok sa kasunduan nang hindi napag-iisipan. Huwag padala sa bugso ng damdamin. Dapat mag-ingat. Lagdaan lang ang kasunduan kung ganap itong nauunawaan dahil maaari kang mapeke. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 26, 35 at red orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Pakinggan ang paalala ng minamahal tungkol sa pagpapatingin sa doktor kung may nararamdaman. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 21, 31 at aquamarine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag balewalain ang tampuhan, hanapan ng solusyon. Unahin ang kailangan ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 3, 14, 28, 35 at peach.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Nasa kamay ang sariling kapalaran kung seguridad sa trabaho ang pag-uusapan. Ingatan ang tungkulin. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 37, 43 at cream.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Iwasan na magbigay ng kumento para walang makaaway. May higit na dapat pag-ukulan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 29, 34 at royal blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Sikap at tiyaga ang kailangan para matupad ang pangarap. Posibleng mailagay sa panganib ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 18, 26 at blue gray.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Kung sasabayan ng ngiti ang bawat taong makakausap, madaling makumbinsi. Lucky numbers at color for the day ang 8, 15, 27, 30 at chocolate brown.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung ang kapares ay magiging tahimik, tiyak na may pagtatampo o may itinatagong galit. Pag-ukulan ng pansin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 32, 40 at white.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Magiging sensitibo ang minamahal kaya hinahon at pasensya ang pairalin. Tutumal ang negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 22, 33 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kakambal ng pagmamahal ang damayan. Maging seryoso, makinig sa kasuyo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 24, 32 at cannary yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Isang tao na malaki ang tampo sa iyo ang kusang lalapit. Kung nasa katwiran, panindigan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 23, 31, 39 at ocean blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ang hinahangad ay nasa tamang landas. Ang bagong kakilala ay makakatulong sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 25, 32 at olive green