February 25, 2025 | 12:00am
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Huwag tipirin kung sarili ay nangailangan, isipin na hindi ka makakatulong sa ina kapag nagpabaya ka sa iyong kalusugan. Kung nasa senior high, magsisipag na para makabawi ka sa last grading period. Gawin ang healthy eating. Lucky numbers at color for the day ang 19, 23, 24, 31 at violet.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Panalangin ang matibay na gabay ngayon. Walang may gusto na may masamang mangyari sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 34, 41 at green.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Hindi masama kung kasing lawak ng langit ang pangarap. Ang hindi maganda ay kung hanggang pangarap lang. Lucky numbers at col-or for the day ang 14, 22, 28, 30 at blue.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Maganda ang hangarin, ang kulang lang ay implementasyon. Huwag na magpatumpik-tumpik isagawa ang mga balak. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 31, 42 at brown.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung inaakalang tama ka, gawin dahil malakas ang ESP ngayon, maliban kung labag sa batas ng Diyos at tao. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 34, 39 at orange.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Diplomasya ang kailangan dahil may makakasagupa kang kailangan ng magandang paliwanag. Lucky numbers t color for the day ang 2, 19, 22, 38 at cream.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Malapit ka ngayon sa mga taong mapagbiro at pala kantiyaw. Huwag patulan dahil hahantong sa pagsisisi. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 31, 36 at fuchsia.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Nasa tamang daan ng kaunlaran sa buhay ang iyong nilandas, kaya ituloy ang ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 35, 39 at aquamarine.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang disiplina sa sarili, kapahamakan ang matatamo. Magpakatatag. Lucky numbers at col-or for the day ang 18, 19, 27, 29 at white.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Walang masama kung aalamin muna ang mga detalye bago magdesisyon. Iwasan ang magpadalos-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 35, 42 at red.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa komunikasyon o sa pakikipag-usap sa iba dahil magiging selosa siya. Lucky numbers at color for the day ang 9, 27, 39, 41 at ocean blue.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Tiyaga at sikap ang sikreto ng tagumpay. Kung ito ang tataglayin, hindi ka maghihikahos sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 16, 24, 29, 34 at yellow.