Notoryus na drug pusher, tiklo sa P2 milyong shabu


Tony Sandoval — Pilipino Star Ngayon

November 28, 2025 | 12:00am

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dange­rous Drugs) ng Republic Act 9165 ang isang notorious na drug pusher matapos na malambat sa anti-drug operation at nakumpiskahan na nagkakahalaga ng mahigit sa P2-M na shabu,kamakalawa ng gabi sa Capistrano Subdivision, Barangay Mateuna, Tayabas City.

Sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, kinilala ang nadakip na suspek na si alyas “Bading”, 47, kabilang sa talaaan ng High Value Individual (HVI) buy-bust operation alas-8:00 ng gabi.

 Nakumpiska kay alyas “Bading” ang walong pirasong heat-sealed transpa­rent plastic sachet at dalawang knot-tied plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 107.44 gramo at nagkakahalaga ng P2,191,776.00,isang pirasong P1,000.00 na ginamit bilang buy-bust money at isang pouch wallet.