December 3, 2025 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Gusto ko po humingi ng payo tungkol sa nararamdaman ko. Parang hindi na nabibig-yan ng halaga ng girlfriend ko ang mga effort na ginagawa ko.
Sinusubukan ko naman maging mahinahon, maalaga, at present sa relasyon namin, pero parang wala lang sa kanya.
Minsan pakiramdam ko ako lang ang kumikilos para maging maayos kami. Ayokong magreklamo, pero masakit po na parang hindi nakikita o napapansin ang pinaghi-hirapan ko.
Ano po kaya ang dapat kong gawin? Ayokong mawala siya, pero ayoko rin na tuluyang mapagod.
Javen
Dear Javen,
Ang effort sa relasyon parang halaman—kahit gaano ang dilig mo, kung hindi tugma ang lupa o hindi naaabot ng araw, hindi pa rin tutubo.
Ang una mong gawin ay kausapin nang mahinahon ang girlfriend mo.
Hindi para manumbat, kundi para iparamdam na nasasaktan ka dahil gusto mong lumaban para sa relasyon ninyo. Sabihin mo kung ano ang kailangan mo—hindi demand, kundi honesty.
Ikalawa, obserbahan mo rin ang kilos niya. Baka may pinagdaraanan siya na hindi niya nasasabi.
Minsan hindi cold, kundi pagod, stressed o may sa-riling takot sa rela-syon.
Tandaan mo, dapat pareho kayong kumikilos. Relasyon ‘yan, hindi solo flight. Kung matapos ninyong mag-usap ay ganun pa rin, baka panahon na para tanungin mo ang iyong sarili, “masaya pa ba ako?”
Hindi selfish ang maghangad ng reciprocation.
Mahal mo siya, oo—pero dapat mahal ka rin pabalik sa gawa, hindi lang sa salita. Para maging health ang inyong relasyon.
DR. LOVE