January 1, 2026 | 12:00am
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Manatiling kalmado. Ang pagmamadali ay lalong magdudulot ng pagkalito. Resulbahin ang problema sa paraang mahinahon. Maaayos ang suliranin kung hindi magiging emosyonal dahil madaling makakahanap ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 26, 30 at strawberry red.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Huwag itago, kung malungkot. Walang dahilan para ikaw ay magkunwaring masaya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 30, 42 at chocolate brown.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ihanda ang sarili sa hamong darating. Sa pinansiyal o pag-ibig, tiyak malulutas kung hindi magiging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 25, 44 at jade green.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Ano man ang gawain, maganda ang kakalabasan. Iwasan ang katarayan para walang makaaway. Lucky numbers at color for the day ang 13, 16, 39, 40 at yellow green.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Ang akalang kay hirap gawin ay madali pala kapag nasimulaan. Huwag sayangin ang oras. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 23, 37 at green.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Isang tawag mula sa minamahal ang magpapasaya ng mood. Huwag mahiyang sabihin ang problema. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 34, 40 at rainbow.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ilalim at minsan ay nasa ibabaw. Tanggapin ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 36, 42 at violet.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – May kalituhan ka ngayon kaya dapat isiping mabuti kung ano ang gustong ga-win. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 34, 41 at neon green.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Himala dahil marunong kang makisama. Panatilihin ito para lalong dumami ang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 35, 40 at red orange.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Mabigat ang tim-bang ng pagkakamali, kaya taglayin ang karunungan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 34, 41 at golden brown.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Isang Taurus ang makikilala. Maaa-ring humantong sa relasyon ang ugnayan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 24, 39 at silver.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Isang balita ang matatanggap na tiyak na makapagpapasaya sa’yo. Disiplina ang pairalin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 31 at burgundy.