Enero 12, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 12, 2026 | 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Iwasan ang makulit at mapagbiro dahil iiral ang kasamaan ng iyong ugali na han-dang makipag-away. Iwasan ang magalit na siyang magdadala ng katamlayan. Huwag mangako dahil walang katuparan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 25, 33 at white.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Nasa kabutihang magagawa ang gantimpala. Magiging pangunahin ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 37, 42 at sun yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang sino mang magbenta o manghingi ng tulong ay dapat suriing mabuti bago paunlakan. Magiging masayahin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 21, 32 at jade green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Sa pagmukmok at pag-iisip na hindi kumikilos ay walang mapala. Ang maghangad ng kaunlaran, lakipan ng kilos. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 35, 41 at indigo.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Habang may buhay, may pag-asa. Malaki ang pagkakataon na ang inaasahan ay darating. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 28, 33 at jade green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Maaaring makakilala ng taong makakatulong sa problematungkol sa trabaho o personal. Ingat ang health. Lucky numbers at color for the day ang 8, 31, 34, 36 at shocking pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Sa gawaing desisyon ay may bungang pipitasin. Huwag magpahiram ng pera dahil masisira ang iyong pagtitiwala. Lucky numbers at col-or for the day ang 8, 19, 37, 40 at electric blue.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Ang bawa’t tao ang makakausap ay nangangailangan ng paliwanag kaya maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 21, 29, 33 at green.

VIRGO: (Ago. 23-Se.23) – Kung itutuloy ang paglalakbay may malaking pakinabang sa sarili o trabaho. Lucky number at color for the day ang 6, 12, 27, 38 at yellow.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Ang pagtulong ay malinis na hangarin, pero ibigay sa tamang nangangailangan nang maiwasan ang malinlang. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 33, 40 at aqua blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Masigla dahil sa pag-ibig. Naaayon ang makipag-date o makipagtagpo sa sinisinta o kasintahan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 40, 42 at red rose.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Iwasan ang lumagda ng mahalagang papeles o kontrata na hindi nauunawaang mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 31, 41 at emerald green.