Enero 29, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 29, 2026 | 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – May pabuyang matatanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho huwag magkumento para hindi ito magatungan at lalong sisiklab. Huhupa ang tensiyon pagkalipas ng ilang oras. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 24, 38 at avocado green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Huwag magtiwala sa kutob dahil mahina at mababa ang ESP. Kung ano ang iniisip, iwasan gawin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 37, 42 at red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Kailangan pang higpitan ang sinturon. Tumataas pa rin ang presyo ng mga bilihin, pero hindi ang sahod mo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 30, 38 at gray.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Hindi naman maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya. Ang dapat gawin, kalma lang. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 26, 37 at lemon green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Walang mangyayari sa iyong buhay kung tatamad-tamad ka. Kumilos at magsikap ka ng husto. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 21, 34 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Laging nasa huli ang pagsisisi, pero may aral na mapupulot. Huwag maging sentimental. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 30, 43 at white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Suriin mong mabuti ang sarili. Alamin kung ano ang kahinaan. Mula rito baguhin. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 28, 43 at ruby red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Marami ang umiidolo sa iyo. Hangga’t maaari, iwasan ang tukso dahil sisirain ka nito. Lucky numbers at color for the day ang 11, 18, 29, 38 at orange.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Hindi lahat sang-ayon sa desisyon. Anuman ang mangyari huwag padala sa udyok ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 6, 17, 25, 34 at lemon green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang relasyon. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 31, 40 at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Upang hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang schedules dahil makakalimutin ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 29, 33 at brown.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Sa impluwensiya ng panahon, walang magiging suliranin ngayon. Magiging masaya ang pakikihalobilo. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 23, 41 at maroon.