Dear Dr. Love,
Gusto ko po ikonsulta kung tama ba o mali ang nararamdaman ko sa aking boyfriend. Bago pa man kami maging mag-on, best of friends na kami high school pa lang. Nagkaroon na po siya ng girlfriend at ako’y nagka-boyfriend na. College na kami nang maging mag-on dahil pareho na kaming malaya. Noong high school kami, nahulog daw ang feelings niya para sa akin pero pinigilan niya dahil hindi raw pwede at kami’y mag-pinsan. Pero nitong college, nagulat ako nang ligawan niya ako. Sa ngayon po ay mag-4 months na kami. Itutuloy ko po ba ang relasyong ito kasi madalas din kaming mag-away? Hindi ko kasi maintindihan kung mag-pinsan talaga kami o malayong kamag-anak. Tama ba ang relasyon namin? Dapat po ba itong patagalin o putulin na? At kung puputulin ko ang relasyon, mai-
babalik pa ba sa dati ang pagkakaibigan namin?
SJ
Dear SJ,
Hindi kita mabigyan ng payo tungkol sa pagiging magkamag-anak ninyo dahil hindi mo nabanggit kung hanggang saan ang inyong relasyon sa dugo. Kung talagang gusto mong malaman kung gaano kalayo o kalapit ang inyong pagiging magpinsan, ang dapat mong kausapin ay ang mga magulang mo. Sila ang higit na makakapagbigay-linaw sa inyong fa-mily tree. Tanging ikaw lang din ang makakasagot kung dapat bang putulin o hindi ang inyong relasyon. Sabi mo madalas ka-yong mag-away. Okay lang ang away kung paminsan-minsan at agad din namang naaayos. Pero kung ang away ay madalas at wala nang respeto sa isa’t isa, mag-isip ka na dahil walang kahihinatnan ang ganyang samahan.
Dr. Love