Mataas ang standard ng parents


Dear Dr. Love,

Parehong mataas ang pinag-aralan ng mga magulang ko. Sobrang demanding at mataas ang standard nila lalo na ang tatay ko.

Kaya kahit anong gawin ko ay failure ang tingin niya sa akin.

Hindi ko na alam kung paano sila i-please samantalang magkaiba naman kami ng hilig. Kailangan ba na laging perfect?

Simple lang ang hilig at gusto ko sa buhay. Paano ko ba ipi-please ang parents ko?

Naguguluhan na ako at hindi ko na alam kung ano at paano ang gagawin para makuha ko naman ang ap-proval nila dahil quota na ko sa rejections.

Pagpayuhan po ninyo ako.

Gail

 

Dear Gail,

Naniiwala ako na hindi kailangan na i-please ang ibang tao lalo na ang parents mo.

Sapat nang ibigay ang iyong best effort kung saan ka masaya na tiyak na makikita nila ang maganda at masaya mong buhay.

Lalong hindi kailangan ang maging perfect, dahil wala naman talagang perpektong tao sa mundo. Mali rin naman na itrato ka bilang isang failure.

Dahil sa reyalidad ng buhay at pagkakila-la ng lupinan sa pamilya ay inaasahan ito na maging pinaka-epektibo itong support system, at hindi nagiging daan para bumaba ang kumpiyansa ng isang miyembro ng pamilya.

Ang payo ko, paglaanan mo ng oras at ipanalangin ang tamang pagkakataon para kausapin nang heart to heart ang iyong mga magulang.

Dito i-open mo sa kanila nang may buong pagpapakumbaba ang tungkol sa iyong mga saloobin, mga ob-

serbasyon at nagiging epekto nito sa iyong pagkatao.

Ilahad mo rin sa kanila ang hangarin mo na maunawan nila ang end mo, bilang isang anak na may ibang katangian kumpara sa kahit kanino man.

Huwag mong kalimutang banggitin nang tapat na pagmamahal sa iyong mga magulang na sa kabila nang pagkakaiba ninyo ng preferrences at patuloy mong pagsisikap na umuukit ng magandang estado sa buhay, sa pamamagitan ng iyong paniniwala, ayon sa iyong kakayahan nang may buong determinasyon at handang magsikap.

Ang bawat hakbang na ito ay sama-

han mo ng taimtim na panalangin. Importante na maniwala ka na may magagawa ang pa-nalangin sa iyong situwasyon.

Gusto ko rin ibahagi sa’yo na marami na ang nagdaan sa kalagayang meron ka ngayon, at ang mahalagang parte ay nakaungos sila. Kaya tiyak makakalampas ka rin sa hamong ito ng iyong buhay. Kasama mo ako na magsumamo sa ating Maykapal na idulot niya ang malambot at maunawaing puso sa iyong mga magulang.

Dr. Love