Abril 28, 2026 | Pilipino Star Ngayon


TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kumunsulta sa feng master bago magpatayo ng bahay, maglipat ng bahay, opisina o magbukas ng negosyo. Ang chi o energy ng lugar ay mahalagang bagay na dapat isaalang-alang. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at sky blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Love is lovelier the second time around. Darating ito at hindi mo maiiwasan. Kilalanin siya ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 24, 34 at dollar green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Tandaan ang ikapitong utos— huwag kang makikiapid. Hindi ito ang tamang solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 34, 40 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Dahil may lahi kayong pikutin, mag-ingat sa tukso lalo na sa taong lapit nang lapit at nagpapahiwatig ng affection. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 39, 41 at dirty white.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mag-impok habang malakas ang kita. Iwasan na ang pagiging bulagsak at pagbili ng hindi gaanong kailangang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 13, 31, 39, 42 at pink.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Kalimitan na nagiging lason sa pagsasama ang labis na pride. Kausapin mo ang partner mo. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 36, 37 at light gray.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Nagbabadya ang magandang araw. Umasal ka muna ng taimtim na dasal ng pasasalamat. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 19, 22, at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Muli siyang makakalimot sa kanyang pangako. Suriing mabuti ang iyong damdamin tungkol sa kanya. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kailangan tangga-pin ang katotohanan. Makakabuti kung simulan ang pagbabago ng sarili. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 28, 39 at cream white.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Mamili ka ngayon kung puso o utak ang susundin. Nasa iyo kung saan ka magi-ging masaya. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 14, 41 at sky blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ramdam mo ang kagipitang pinansyal. Makakabuting maghanap ng sideline. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 13, 31 at red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Huwag magpadalos-dalos. Pag-isipan ng mabuti ang pag-hakbang pasulong. Lucky numbers at color for the day ang 19, 20, 23, 32 at neon green.