Davao Occidental, 3 pang lugar isinailalim sa state of calamity


MANILA, Philippines — Isinailalim na sa state of cala­mity ang buong lalawigan ng Davao Occidental at tatlo pang lugar sa pagtama ng 7.8 magnitude ng lindol sa ilang bahagi ng rehiyon ng Mindanao noong ­Hunyo 8 ng umaga.

Sa report ng Office of Civil Defense (OCD) napagdesisyunan ng pamahalaang panlalawigan ang pagsasailalim sa buong Davao Occidental dahilan sa ­matinding pinsalang tinamo sa pagyanig ng 7.8 magnitude ng lindol.

Kabilang pa sa isinailalim sa state of calamity ay ang Malapatan, Sarangani; Glan, ­Sarangani, at General Santos City (Dadiangas) South Cotabato.

Ang pagsasailalim sa state of calamity ay upang magamit ng mga apektadong lugar ang kanilang Quick ­Response Fund sa mga panahon ng emergency tulad ng matinding pinsala ng lindol.

Samantalang nasa kabuuan namang 45 kalsada, 8 tulay ang naapektuhan kung saan sa nasabing bilang ay nasa 37 kalsada, anim na tulay ang maaari nang madaanan.

Nakapagtala naman ng kabuuang 238 imprastraktura ang na­pinsala ng malakas na lindol. Naapektuhan ang paliparan sa ­SOCCSKARGEN ay tigil muna ang operasyon habang isinasaayos ang napinsalang istraktura.