Rape suspek na nagtago sa gubat, naaresto


CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Matapos magtago sa bulubunduking lugar sa loob ng apat na taon, isang wanted na lalaki para sa tatlong bilang ng statutory rape ang tulu­yang naaresto nang pinagsanib na elemento mula sa Criminal Investigation and Detection-Calabarzon operatives at local units sa General Nakar, Quezon.

Sinabi kahapon ni Col. Ganaban Ali, CIDG-Calabarzon regional director, ang akusado na si Cristino Bey-Agan, 50, tubong bayan ng Besao, Mountain province at residente sa Sitio Matani, Barangay Umiray, General Nakar kung saan siya nasakote ng nilikhang tracker team bandang alas-2:30 p.m. Ang akusado ay nasa talaan bilang 8 sa National level-Most Wanted Persons na may pabuya sa ilalim ng Department of Interior Local and Government memorandum circular number 2025-26.

Sa rekord ng pulisya, ang tatlong insidente ay naganap sa General Nakar, Quezon kung saan ang isang biktima ay ginahasa mula noong 2022.