September 17, 2026 | 12:00am
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Masaya ang araw at walang dahilan para magalit o magkaroon ng kapalpakan. Maaliwalas ang pakiramdam at dahil dito tambakan man ng trabaho ay mairaraos. May panahon sa sosyalan at malamang makatagpo ang soulmate o twin flame. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 28, 39 at gray.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Huwag magtiwala sa nararamdaman dahil mahina at mababa ang ESP. Kung ano ang inisip, iwasan gawin. Lucky numbers at color for the day ay 15, 24, 39, 42 at red.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – May pabuya na matatanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan, huhupa rin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 29, 38 at avocado green.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Tiyakin na ang ihahain sa hapag-kainan ay nanggaling sa marangal na paraan dahil kawawa ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 33 at brown
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung hindi mapaglabanan ang pagkatamad, wala kang magawa dahil dadalaw ito sa iyo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 23, 41 at maroon.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Maraming naiinggit sa iyo dahil sa iyong kabaitan at pagkauliran. Huwag magtiwala sa kahit kanino. Lucky numbers at color for the day ang 18, 25, 39, 43 at blue.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung maganda at malinis ang pakay, ituloy dahil maganda ang magiging bunga. Kung masama, huwag gawin. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 31, 40 at yellow.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Malakas ang udyok sa iyo ngayon na mahihirapan kang tumanggi. Kung magpapadala, talo ka. Lucky numbers at color for the day ang 17, 25, 36, 38 at red.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung palaging magulo ang relasyon ng magkasintahan at walang katahimikan, hangga’t maaga putulin na. Lucky numbers at color for day ang 3, 10, 26, 37 at jade green.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Kung mabulyawan o magkagalitan, huwag isisi sa iba dahil ikaw ang may kagagawan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 29, 34, 42 at yellow.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Walang hindi naghahangad ng kaunlaran, ngunit ang kasalukuyang plano ay dapat ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 34 at ruby red.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag magtaka sa ginawa sa iyo dahil’ yun din ang ginagawa mo sa iba. Magbago ka na. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine.