Mahal ako, pero iba ang mahal ko


Dear Dr. Love — Pilipino Star Ngayon

September 17, 2026 | 12:00am

Dear Dr. Love,

Hindi ko po maintindihan ang sarili ko. May boyfriend po ako dati na minahal ko nang lubos, pero alam kong hindi niya ako minahal. Wala kaming pormal na hiwa-layan.

Ngayon po ay may boyfriend ako na ibinibigay lahat ng gusto ko. Alam kong mahal na mahal niya ako at kaya niyang magsakripisyo para sa akin. Mahal ko rin siya, pero mas mahal ko pa rin ang dati kong boyfriend.

Madalas po akong mapatawa kapag naaalala ko ang ex ko, at naiiyak kapag iniisip ko ang mga bagay na isinakripisyo ko para sa kanya. Naguguluhan po ako.

Grey

 

Dear Grey,

May mga katotohanan sa buhay na gaano man kasakit ay dapat tanggapin. Totoo, mahal mo ang dating boyfriend, pero hindi ka naman mahal.

Heto naman ang bago mong boyfriend na hindi mo ganoon kamahal, pero mahal na mahal ka.

Mahirap turuan ang puso, pero kailangan mong harapin ang katotohanan na hindi ka na mahal ng taong mahal mo.

Hindi dapat huminto ang mundo sa pag-ikot dahil lamang sa isang tao na ayaw ka nang mahalin.

Bigyan mo ng pagkakataon ang taong handang ibigay ang lahat para sa iyo.

Mas matibay ang relasyon kung may respeto, katapatan, at tunay na pagmamahal na ipinapakita sa gawa, hindi lang sa alaala.

Dr. Love