Magsasagawa ng smear campaign sa ATeacher nominee, kakasuhan


MANILA, Philippines — Nakatakdang magsampa ng kaso ang ilang abogado at tagasuporta ng ATEACHER nominee na si Virginia Rodriguez laban sa mga indibidwal na gagawa ng mga paninira laban dito at sa kanyang pamilya.

Nabatid na ilang grupo ng mga tao ang nagsasagawa ng smear campaign laban kay Ms. Rodriguez matapos na tumaas ang rating ng ATEACHER party list group sa numero uno, base sa mga surveys na isinagawa kamakailan.

Umapela ang mga abogado at tagasuporta ni Ms. Rodriguez sa publiko na i-report ang sinumang indibidwal o grupo ng mga taong sangkot upang sirain ang reputasyon ng ATEACHER party list nominee na si Ms. Rodriguez, na siyang may-akda ng librong “Leave Nobody Hungry”.

Isang matagumpay na negosyante at pilantropo, si Rodriguez ang nag-iisang party list nominee na nagsusulong para sa isang bansang cancer-free dahil sa pagtuklas ng mga bagong bitamina na ginawa niya kasama ng mga Filipino sciencetists at medical experts.

Si Rodriguez ang tanging indibidwal na nagtataglay ng mga ideya na ibaba ang mga presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknik at makabagong teknolohiya sa paggawa ng mga produktong agrikultura.