PISCES: (Peb. 19 — Mar. 20) – Ang sikreto ay mabubuking o may sikreto ang iba na madidiskubre. Huwag mabigla dahil ang pangyayari ngayon ay matagal mo nang alam na darating o mangyayari. Pagyamanin kung ang meron ka. Lucky numbers at color for the day ang 12, 22, 30, 42 at orange.
ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) – Ang matalik na pagkakaibigan ay mauuwi sa pag-iibigan. Kung sinagot ngayon ang nililigawan, magkakatuluyan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 28, 38, at red.
TAURUS: (Abr. 20 — May. 20) – Iwasan na magmaramot para hindi takasan ng magandang kapalaran. Ang tampuhan ay dapat hanapan ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 16 36 at brown.
GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Ang magbigay ng bahagi sa kinikita sa kawanggawa ay lalong magdaragdag sa biyayang tinatamasa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 27, 37 at white.
CANCER: (Hun. 2 — Hul. 22) – Ang tungkulin na ipinagkaloob ay magiging daan ng promosyon na dapat gampanan nang buong katapatan at husay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 25, 39, 40 at cream.
LEO: (Hul. 23 — Ago. 22) – Mananatiling masagana ang daloy ng pananalapi. Magiging normal ang takbo ng trabaho at mga gawain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 14, 25 at blue.
VIRGO: (Ago. 23 — Set. 23) – Mapapanatili ang magandang takbo ng career kung isasaalang-alang ang pagiging diligent at reliable sa lahat ng oras. Lucky numbers at color for the day ang 11, 14, 39, 41 at fuchsia.
LIBRA: (Set. 24 — Okt. 23) – Isang kapwa Libra ang magbibigay ng tuwa, kagalakan o hinanakit. Pairalin ang pagtitimpi kung may makakasagutan. Lucky umbers at color for the day ang 13, 19, 29, 39 at pink.
SCORPIO: (Okt. 24 — Nob. 22) – Upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa, huwag patulan ang inaakalang hindi magandang asal ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 13, 19, 29 , 39 at blue.
SAGITTARIUS: (Nob. 23 — Dis. 21) – Maisasakatuparan ang pangako na binitiwan. Kung buo ang determinasyon, gawin ang balak. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 14, 34 at jade green.
CAPRICORN: (Dis. 22 — Ene. 19) – Panahon na para gamitin ang likas na talino para makamit ang tagumpay. Kung may magandang plano. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 33, 40 at navy blue.
AQUARIUS: (Ene. 20 — Peb. 18) – May kaibigan o kasamahan na susubok ng iyong kakayahan o pagtitimpi. Huwag mapikon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 26, 39 at gray.