MANILA, Philippines — Ipinarating ng Partylist ang kanilang suporta sa iminungkahing magkaroon ng mandatory 30% local output para sa mga sasakyang gawa sa Pilipinas. Inaasahan na makapagbibigay ito ng hanggang $500 milyon na investments at pagpapalago ng mga oportunidad sa trabaho sa ekonomiya ng bansa.
Ang mungkahi ay inilatag ni Philippine Parts Makers Association president Ferdi Raquelsantos, na nagsabing maaaring magbigay ng mga tax perks ang gobyerno para sa mga nag-aassemble ng sasakyan na susunod sa minimum na requirement para sa lokal na sourcing upang mapalakas ang produksyon ng mga taga-paggawa ng piyesa ng sasakyan.
Ang nasabing requirement ay nagtatakda na ang minimum na 30% ng mga piyesa ng sasakyan na gawa sa bansa ay dapat na manggaling sa lokal na suppliers.
Tinuturing ang inisyatibang ito bilang isang mahalagang hakbang sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapalakas ng lokal na paggawa, lalo na sa mga sektor ng electronics, automotive, at consumer goods.
Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng Partylist, ang implementasyon ng naturang patakaran ay akma sa kanilang matagal nang layunin na magtaguyod ng mga sustainable na oportunidad sa trabaho. Naniniwala ang partido na makakatulong ang mga polisiya tulad nito sa paglutas ng problema ng kawalan ng trabaho at underemployment, habang nagbibigay ng oportunidad sa mga manggagawa sa iba’t ibang antas ng kasanayan.