Pinas handang umalalay sa Myanmar, Thailand


MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pakikiramay ang Pilipinas sa Myanmar at Thailand matapos ang malakas na lindol na tumama sa naturang bansa.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, handa rin ang Pilipinas na magpadala ng tulong matapos na maiulat na mayroong mga nasawi at malaki ang naging pinsala ng lindol sa naturang mga bansa.

Sa ulat ng US Geological Survey, isang magnitude 7.7 ang lindol na may epicenter na 17.2 km mula sa City ng Mandalay sa Myanmar at sinundan ng 6.4 magnitude aftershock. Naramdaman ang pagyanig sa Thailand na nagpaguho sa 30-storey na ginagawang gusali sa Bangkok.

Mahigit sa 1,000 katao na ang iniulat na nasawi sa Myanmar at inaasahang tataas pa sa patuloy na search ang rescue operations.

Inulat naman ng Philippine embassy sa Yangon sa Thailand na walang Filipino casualties ang kanilang naiulat habang patuloy nilang kinokontak ang Pinoy communities sa nasabing mga bansa.

Tinatayang nasa 600 Pinoy ang nasa Myanmar at 29,000 sa Thailand.