Trabaho partylist umangat sa SWS


MANILA, Philippines — Mas lalo pang gumanda ang pwesto ng ­TRABAHO Partylist sa pinakahuling survey ng ­Social Weather Stations (SWS) para sa Marso 2025, mula sa ika-26 ay umakyat ito sa ika-22 pwesto.

Ang pag-akyat sa survey ng TRABAHO, bilang 106 sa balota, ay lumabas matapos ang kanilang ­effort na personal na magbabahay-bahay at ­bumisita sa mga baranggay sa iba’t ibang parte ng bansa.

Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, ang mga inisyatibo ng grupo tulad ng centralization at digitalization ng mga job openings, pagpapabuti ng access sa mga vocational training, pagpapaganda ng mga kondisyon sa trabaho, at pagtutok sa mga makatarungang gawi sa paggawa ay nagkaroon ng malalim na epekto sa mga manggagawa.

“Ang inyong suporta ay aming ­inspirasyon sa patuloy na pagtataguyod ng kalidad na trabaho, ­sapat na sahod, karagdagang benepisyo, maayos na kondisyon sa pagtatrabaho, at patas na oportunidad para sa lahat,” pahayag ng TRABAHO.

Isinagawa ang SWS survey noong March ­15-20 sa 1,800 rehistradong botante mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

“Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino po ang pinakamalamang ninyong iboboto bilang ­PARTY-LIST?”, ang naging tanong sa survey.