LEGAZPI CITY, Philippines — Pinapugayan at pinuri ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda ang mga atletang Albayano sa nabuslo nilang kampeonato sa katatapos na Palarong Bicol 2025 na ginanap sa lungsod na ito. Umani ang Team Albay ng 76 medalyang ginto, 81 silver at 82 bronze.
Tinalo ng Team Albay ang 12 iba mga koponan mula sa rehiyon ng Bikolandiya. Bukod sa Albay, kasali rin sa Palarong Bicol ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, at mga lungsod nito. Ibinalik ng panalo ang alaala ng makasaysayang pagdomina ng Albay sa Palarong Bicol noong 2011, 2012 at 2014, kung kailan sunod-sunod na naging kampeon ang lalawigan sa naturang torneo sa panahon ng panunungkulan ni Salceda bilang Gubernador na Albay. Ayon kay Salceda, “muling ginising ng napanalunang kampiyonato ang likas na tibay at lakas ng mga Albayano.” Taimtim siyang nangako na patuloy niyang itutulak ang mga hakbang tungo sa pagsulong ng kapakanan ng mga atletang Albayano bilang isa sa mga pangunahing layunin ng kanyang ‘Global Albay program’ sa kanyang bilang gubenador ng lalawigan sa nalalapit na eleksiyon.
“Higit na mataas na antas ng pisikal at husay ng kaisipan, at iba pang kahusayan ang nagiging bunga ng pagkakaisa ng kalooban, pagsulong nga mga layunin, pagpapahalaga sa dangal ng kanilang pinagmulan, diwang makipagtagisan ng husay at panloob na karakter.” Ito ang misang ginawang paglalarawan ni Salceda sa mga atletang Albayano. Noong gubernador siya ng Albay, masugid na isinulong ni Salceda ang suporta sa Albay ‘sports well-being program’ o programa para sa kapakanan ng mga atletang Albayano, kasama ang higit na malaking pondo para kanilang pagsasanay, pagkain, mga insentibo at mga material nilang kailangan para mapanatili ang kanilang sigla.
