Bong Revilla nanawagan ng pagkakaisa


MANILA, Philippines — Nanawagan si re-electionist Senator Ramon «Bong» Revilla, Jr. ng pagkakaisa ng lahat sa gitna ng mga kinahaharap na problema ng ating bansa. Ayon kay Revilla nawa ang pagkawatak-watak ng ating bansa ay mapalitan ng isang pagmamahalan. Iginiit ni Revilla na hindi dapat nagkakaroon ng anumang pag-aaway kundi magmahalan lamang sana ang bawat isa.

Hindi naman naitago ni Revilla ang tuwa at agpasalamat sa bawat mamamayang Filipino dahil sa patuloy na mainit na pagtanggap sa kanya saan man siyang panig ng Pilipinas magtungo.

Nanawagan din si Revilla sa lahat na ipagdasal silang mga kumakandidato na nawa’y maging ligtas lalo na ngayon na sobrang init ng panahon. Tiniyak naman ni Revilla na sa kanyang pagbabalik sa Senado ay kanyang isusulong ang pag-amyenda sa Senior Citizen Law kung saan sa kanyang panukala, imbes na 60 taong gulang magsimula ang pagiging senior ay gawin itong 56 taong gulang. Nanawagan din si Revilla sa lahat na mga may nanay at lola na nasa 80, 85, 90, at 95 taong gulang na tumungo sa mga tanggapan ng Senior Citizen o OSCA upang mapakinabangan ang Centenarian Law na kung saan si Revilla ang siyang pangunahing may-akda. (Ludy Bermudo)