MANILA, Philippines — Pansamantalang pinalaya ang 17 OFWs na inaresto sa Qatar dahil sa pagsasagawa ng pro-Duterte rally.
Sinabi ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Cacdac na binigyan ng provisional release ang 17 OFWs, 12 lalaki at 5 babae, habang naghihintay ng imbestigasyon.
Ang 17 ay nahaharap sa imbestigasyon para sa iligal na pagpupulong at pagtitipon nang walang permit.
Maaaring mapatawan ng parusang 6 na buwan hanggang 3 taong pagkakulong at multang 10,000-50,000 Qatar riyal ang mga OFWs kung mapapatunayang nagkasala.
“Lahat sila ay pinapayagang umuwi sa Doha. Dahil sila ay nasa ilalim pa rin ng imbestigasyon, patuloy ang legal na tulong at legal na tagapayo…Hindi sila pinapayagang maglakbay sa labas ng Qatar. Ang sabi, ang pansamantalang kalayaan ay kalayaan pa rin,” sinabi ni Cacdac.
Sinabi ni Cacdac na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DMW na magbigay ng legal at welfare assistance sa mga sangkot na Pinoy.
