Pag-aresto sa 3 pinoy, ganti ng China — NSC


MANILA, Philippines — Posibleng pagganti ng China ang paratang na espionage laban sa ­tatlong Filipino na ­inaresto sa Beijing.

Sinabi ni National Security Council (NSC) spokesperson Jonathan Malaya na ang mga paratang na espionage ­laban sa tatlong Filipino ay maaring pagbuwelta sa pag-aresto sa ilang mga espiya mula sa China sa Pilipinas.

Paliwanag pa ni Malaya na ang mga naaresto ay mga dating benepisyaryo ng Hainan Go­vernment Scholarship Program na itinatag sa ilalim ng kasunduan ng Hainan at Palawan.

Mga ordinaryong mamamayan lang aniya ang mga naaresto at walang criminal records, sumusunod sa batas at masusi rin dumaan sa pagsisiyasat ng Chinese government bago duma­ting doon.

Dahil dito kaya duda ang NSC sa mga sinasabing “confession” ng mga inaresto dahil mukha itong scripted at hindi ginawa ng malaya at kusang loob.

“A portion of one of the Filipino’s statement, while expressing regret, also notably portrayed China in a positive light. There was also mention of a “Philippine Intelligence Agency” or “Philippine Spy Intelligence Services” which is a non-existing government agency,” ayon pa sa NSC.

Para sa NSC, ang nasabing video ay nagdudulot ng higit pang mga katanungan kaysa sa kasagutan.

“Given the limited information released by Chinese media, the arrests can be seen as a retaliation for the series of legitimate arrests of ­Chinese agents and accomplices by Phi­lippine law enforcement and counter-intelligence agencies in recent months,” ayon pa kay Malaya.

Hinikayat naman niya ang mga Pinoy doon na manatiling mapagbantay at mapanuri sa harap ng mga ganitong akusasyon.