6 bagong national roads sa Zambales, Cavite, Batangas at Cotabato idineklara


MANILA, Philippines — Idineklara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga bagong pambansang kalsada sa mga lalawigan ng Zambales, Cavite, at Batangas sa Luzon, at Cotabato sa Mindanao.

Sinabi ng DPWH sa isang post sa X (dating ­Twitter), na ang mga bagong national roads ay ­magiging daan sa pinabuting koneksyon at magtataguyod ng paglago ng ekonomiya.

Kinabibilangan ito ng Subic Bypass Road (7 kilometers), Rizal Avenue (523 meters), sa Zambales, na nasa ilalim ng hurisdikyon ng  Zambales 2nd District Engineering Office in Region 3 (Central Luzon); Imus-Bacoor Link Road (4.16 kilometers) sa Cavite, sa ilalim ng hurisdiksyon ng Cavite 3rd District Engineering Office, Region 4-A (­Calabarzon); Batangas City-San Pascual-Bauan Diversion Road (8.9 kilometers), at Star Tollway-Pinamucan Bypass Road (4.76 kilometers) sa ilalim ng hurisdik­yon ng Batangas 2nd District Engineering Office, Region 4-A (Calabarzon); Midsayap Diversion Road (7.76 kilometers), sa ilalim ng hurisdikyon ng Cotabato 1st District Engineering Office, Region 12 (­Soccsksargen).

Ang mga pambansang kalsada na nag-uugnay sa mga lungsod sa pangunahing imprastraktura, tulad ng mga paliparan at daungan ay pinamamahalaan ng DPWH.