MANILA, Philippines — Pinapurihan ng Commission on Audit (COA) ang Port of Manila (POM) District ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa napakataas na revenue collection performance nito noong 2024.
Sa Audit Observation Memorandum (AOM) ng COA nitong February 24, 2025, umabot sa 99.37 percent ang nakolektang buwis mula sa P84.813 billion tax collection target nito noong nakaraang taon.
Lumalabas din na mas mataas ang naging koleksyon ng buwis ng Port of Manila noong 2024 kumpara noong 2023 na nasa P72.764 billion lang.
Malaking ambag ang mataas na koleksyon ng POM sa pondo ng gobyerno para maisakatuparan ang mga programa ng Marcos administration.
“We commend the management for its high performance on revenue collection for CY 2024,” saad sa report. Si Collector Alex Alviar ang hepe ng Port of Manila ng BOC.
Pinuri ng naturang kumpanya ang BOC, partikular na ang Port of Manila sa pamumuno ni Alviar dahil sa mabilis na pag-apruba ng mga customs clearance para hindi maantala ang kanilang proyekto kasama ang Caloocan Data Center.