Senador Win suportado si Bam


MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senador Win Gatchalian ang kanyang buong suporta para sa kandidatura ni dating Senador Bam Aquino sa nalalapit na halalan. 

Sa isang pagtitipon sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, sa Kuya Win Scholars Assembly, ipinahayag ni Gatchalian ang kanyang tiwala na mananalo si Aquino sa lungsod at tiniyak na ipapanalo sa Valenzuela.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbabalik ni Aquino sa Senado, lalo na para sa sektor ng edukasyon. Ayon sa senador, si Aquino ang may pinakamalalim na malasakit sa edukasyon kumpara sa ibang kandidato.

Binanggit niya ang mga batas na isinulong ni Aquino noong kanyang unang termino, kabilang ang batas sa libreng kolehiyo, na nakatulong sa maraming estudyante sa Valenzuela at sa buong bansa.

Nagpasalamat naman si Aquino kay Gatchalian sa kanyang suporta. “Dito po sa ating edukasyon, napakaraming reporma ang kailangan gawin,” ani Aquino.