MANILA, Philippines — Ipinagbabawal ng Civil Service Commission (CSC) sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na makilahok sa mga partisan political activity tulad ng pag-like, share at iba pang katulad na aktibidad sa social media sa panahon ng kampanya para sa darating na May 12 elections.
Sa memorandim Circular 3-2025, binanggit ang 1987 Konstitusyon at iba pang umiiral na mga batas bilang basehan.
Nakasaad dito na “walang opisyal o empleyado sa serbisyong sibil ang maaaring makilahok, direkta o hindi direkta, sa anumang kampanya o partisang aktibidad sa pulitika” at “walang kasapi ng militar ang maaaring makilahok, direkta o hindi direkta, sa anumang partidistang aktibidad sa pulitika, maliban na lamang sa pagboto.
Ang pagbabawal ay hindi lamang sa oras ng trabaho kundi maging sa labas ng oras ng trabaho sa buong panahon ng kampanya kahit sa labas ng mga opisina ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.
