Benepisyo ng mga nasawing sundalo pinamamadali ni Marcos


MANILA, Philippines — Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag­proseso sa mga benepisyo ng mga miyembro ng uniformed services na napatay habang tinutupad ang kanilang tungkulin.

Ang kautusan ay kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan na ginanap sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

“Tamang-tama po ang nangyari po rito dahil noong naghahanda po kami para dito sa paggunita ng Araw ng Kagitingan ay nasama po sa usapan at ika ko ay dapat naman ay kung tayo ay nagbibigay ng dangal sa ating mga nasawi na mga kasama ay kailangan ay ang ­ating pangako sa kanila at lagi natin sinasabi kahit ano pang mangyari ang inyong mga pamilya ay aalagaan natin, hindi po namin pababayaan.,” pahayag pa ng Pangulo.

Pinuna rin niya ang mga reklamo ng ilang mga benepisyaryo na matagal ang proseso at masalimuot.

Nangako naman si Marcos na pagbubutihin ng gobyerno ang ­proseso para agad matanggap ng pamilya ang mga benepisyo.