Survey Pulse Philippines, lehitimong research org


MANILA, Philippines — Lehitimo umanong research organization ang Survey Pulse Philippines.

Ito ay batay sa kanilang DTI rekord na may petsang Pebrero 24, 2025 hanggang Pebrero 2030.

Ginawa ng pamunuan ng Survey Pulse Philippines ang pahayag bunsod ng isang news item na lumabas noong Pebrero 16, 2025 na may pamagat na, “PRAMA, nagbabala sa pekeng survey.”

Sa nasabing news item, sinasabi ni Anton Salvador, nagpakilalang kinatawan umano ng Philippine Research and Marketing Association, Inc., na peke ang survey group na Survey Pulse Philippines.

Napag-alaman na ang Survey Pulse Philippines ay nakarehistro sa ilalim ng Social Pulse Market Research Services, at ang lumalabas na walang rehistro ay ang PRAMA, sa isinagawang pag-check sa Securities and Exchange Commission.

Kasalukuyang nahaharap ang PRAMA at si Salvador sa kasong libel na nakaambang isampa ng Social Pulse Market Research Services.