Sen. Bong Revilla No. 1 sa lalawigan ng Quezon


MANILA, Philippines —  Tumanggap din si Senator Ramon «Bong» Revilla Jr. ng malakas na suporta sa lalawigan ng Quezon matapos iendorso siya mismo ni Governor Angelina «Helen» Tan bilang «Number 1» senatorial candidate na kanilang susuportahan. Inihayag ni Governor Tan ang pag-endorso sa pagbisita ni Revilla sa kampanya at Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Rally sa lalawigan.

 «Senator Revilla has consistently championed laws that directly benefit our constituents. His dedication to uplifting the lives of Filipinos aligns with our province’s vision for progress,” ani Tan. Ang pag-endorso mula sa Quezon ay posibleng mag-aambag ng mahigit 1.5 milyong boto sa halos 9.8 milyong rehistradong botante sa rehiyon ng CALABARZON, na isang ‘vote-rich area’ . » Maraming salamat sa inyo. Napakainit ng pagsalubong ninyo sa akin.

Sa tiwala at pagmamahal pa lang na pinapakita niyo, pakiramdam ko nanalo na ko, » ani Revilla. Bilang isang pangunahing tauhan sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ang malalim na ugat ni Revilla sa rehiyon at malawak na karanasan sa lehislatura ay naglalagay sa kanya bilang isang mabigat na kandidato sa 2025 elections. Ang senador, na nakapaglingkod na sa maraming termino, ay kilala sa pag-akda ng mahahalagang batas tulad ng «Kabalikat sa Pagtuturo Act» at «Expanded Centenarians Act,» na sumasalamin sa kanyang pangako sa edukasyon at kapakanan ng mga senior citizen. Patuloy na nakakakuha ng suporta si Revilla mula sa iba’t ibang lalawigan sa loob ng CALABARZON, kabilang ang Cavite, Laguna, Batangas, at Rizal, na nagpapatibay sa kanyang posisyon bago ang May 12, 2025, midterm elections.