Anak ng Quezon City vendor, PWD Top 1 sa PMA Class 2025


MANILA, Philippines — Gumawa ng pambihirang kasaysayan ang 23-anyos na anak ng isang vendor at Person with Disability (PWD) matapos itong itanghal na valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) Siklab Laya (Sundalong Isinilang na Kasangga at Lakas ng Ating Bayan Para sa Kalayaan) Class of 2025.

Nakamit ni Cadet First Class Jessie Ticar Jr. ang pinakamataas na Grade Point Average na 9.52 percent. Siya ang ikaapat sa PMA history na nakakuha ng summa cum laude status, matapos si Cavalier Artus noong 2021 na may grade na 9.51; Cavalier Gaerlan noong 1995, na may 9.38 grade; at Cavalier Lorenzo noog 1997, 9.32.

Nabatid na si Ticar ay bunso sa kanilang tatlong magkakapatid. Ang kaniyang ina ay nagtitinda ng ballpen at envelope sa Quezon City habang ang kaniyang ama na dating taxi driver ay isa na ngayong PWD matapos magkasakit.

Si Ticar bilang Class Valedictorian ay tatanggap ng siyam na medalya na kinabibilangan ng Presidential Saber, JUSMAG Saber, Tactics Group Award, Natural Sciences Plaque, Army Professional Courses Plaque, Army Saber, Australian Defense Best Overall Performance Award, Gen. Antonio Luna Award, and Humanities Plaque. Ang graduation ceremony ay itinakda sa Mayo 17 kung saan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mag-aabot dito ng Presidential Saber.

Sa taong ito, ang PMA Class 2025 ay binubuo ng 212 kadeteng lalaki at 54 female cadets.