Isang ScratchIt ticket lang ang binili: Maybahay nanalo agad ng P200,000


MANILA, Philippines — “Kung may tiyaga, may nilaga.”

Angkop ang matandang katawagang ito sa karanasan ng 52-anyos na ginang na si Francisca Torres ng Cuenca, Batangas.

Isa si Torres sa mga regular na tumatangkilik sa ScratchIt, isa sa mga lottery game ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa larong ito na marami ring klase, kinakaskas ang isang play area ng tiket para lumabas ang winning symbol o pattern na katumbas ng halagang mapapanalunan na agad na matatanggap ng nanalo.

Ibinahagi ni Torres na lagi siyang bumibili ng tiket ng ScratchIt, pero, kamakailan lang, laking gulat niya nang mapanalunan niya ang halagang P200,000.

Sinabi ni Torres na, nang mga sandaling iyon, isang tiket lang naman ng ScratchIt Go Bananas ang kanyang binbili na naging malaking sorpresa sa kanya dahil nanalo agad siya ng P200,000.

“Masaya ako dahil nanalo ako sa ScratchIt, sakto at inaayos pa ang aming bahay. May pampaayos na kami!” bulalas ng ginang na nasabing nang mga oras na iyon.

“Nakakatuwa lang,” dagdag ng ginang, na sa kasalukuyan ay naglalaro pa rin ng ScratchIt.

Tip niya sa ibang mga player ng ScratchIt, “Maglaro lang nang maglaro ng Go Bananas at makukuha niyo rin ang P200,000.”

Bukod sa Go Bananas, kabilang sa mga klase ng mapaglalaruang Scratchit ang RED HOT 7’s, GO FOR GOLD 20, RUBY RICHES, GO FOR GOLD 50 at Instant Keno.

Makakabili ng isang tiket na halagang P20 na mayroong premyong hanggang P200,000, P50 na maaaring manalo ng hanggang P500,000, at P100 para sa premyo na hanggang P1,000,000.

 


Editor’s Note: This press release for ScratchIt is not covered by Philstar.com’s editorial guidelines.