ACT-CIS Partylist, nakapaghatid ng digit P1.4 bilyon sa 300K Pinoy


MANILA, Philippines — Mahigit sa P1.4 bilyon ang naibahaging tulong ng ACT-CIS Partylist sa mahigit 300K Filipino sa loob ng isang taon.

Ito ay bilang patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi ng nangungunang partylist sa nalalapit na halalan sa Lunes.

Nanguna sina ACT-CIS Representatives Erwin Tulfo, Edvic Yap, at Jocelyn Tulfo sa pagtutulay sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng DOH, DSWD, at DOLE para ­matulungan ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong mula sa kanilang mga tanggapan. 

Narito ang breakdown ng mga serbisyong panlipunan na naipamahagi, sa kasalukuyang tala: Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP); P296,757,862.44; Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP); P335,700,000.Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS);  P502,216,195.48; Tulong Panghanapbuhay sa ­Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD): P150,000,000; at Sustainable Livelihood Program (SLP)P115,000,000.

“Lubos kaming nagpapasalamat sa tiwalang patuloy na ibinibigay ng mga Pilipino sa ACT-CIS. Ito ang dahilan kung bakit patuloy ka­ming nagsisikap sa Kongreso upang maging kakampi ng mga naaapi at boses ng mga walang boses sa lipunan,” ani senatorial candidate Erwin Tulfo.